Ano ang Glutathione o Gluta ? Una itong nakilala sa madla bilang pampaputi at pampakinis. Sumikat ito dahil maraming Pinoy ang gustong pumuti at kuminis. PERO, dahil hindi rin malinaw kung ano nga ang gluta, naglipana rin ang mga misconceptions tungkol dito. May nagsabi na nakakatakot daw ito, kasi kung kaya nitong paputiin ang balat, ano kaya ang epekto nito sa ating atay? Hindi rin kaya pumuti? Akala ng marami ito ay isang bleaching agent katulad ng mga ginagamit sa damit para maalis ang dumi. O yung mga pinapahid sa mukha para matanggal ang mga pekas. Pero ano nga ba ang Glutathione at ano ang nagagawa nito?
Ang Gluta ay ay binubuo ng 3 amino acids: Cysteine, Glutamine at Glycin. Natural na may gluta tayo sa ating cells. Ano ang cell? Ang cell ay ang pinakamaliit na unit ng ating katawan. Ang ating buong katawan ay binubuo ng mga cells. Ang ating organ – puso, atay, lapay, balat, baga pati buto ay binubuo ng mga cells. Ganun naman pala at mayroon tayong gluta sa ating cells, bakit kailangan pa natin uminom ng supplement na gluta? Unfortunately mga kapatid, nade deplete ito dahil sa ating exposure sa polusyon, stress at unhealthy lifestyle tulad ng pagpupuyat, pag-inom ng alcoholic beverages, paninigarilyo, etc. Ang pagkonti ng gluta sa ating katawan ay nagdudulot ng paghina ng ating immune system o ang natural na panlaban ng ating katawan sa sakit. Sa totoo lang, pwede naman na mapanatili ang anti-oxidant na ito sa ating katawan basta sundin natin ang mga ito: wag i-expose ang sarili sa pollution, baguhin ang ating lifestyle – bawal magpuyat, manigarilyo, uminom; at palaging kumain ng pagkaing masustansya sa araw-araw, tulad ng pagkain ng 7 hanggang 13 klase ng prutas at gulay at iwasan ang stress. POSIBLE BA YUN? Posible ba na lumabas ka ng bahay at hindi makalanghap ng usok? Posible ba na kumain ka ng 7-13 prutas at gulay ARAW-ARAW? Possible rin ba na hindi ka makaranas ng stress? Kung para sa iyo ang sagot ay oo, congratulations. Kung hindi naman, ito ang alternative – kapatid, labanan ang sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong resistensya. Huwag nang hintayin na magkasakit ka pa o lumala pa ang sakit mo. Ikaw ba magpapayong kung kelan basang-basa ka na ng ulan? Di ba pag umuulan, bubuksan mo muna ang payong bago ka lumabas ng bahay (o ng jeep, kotse, eroplano, opisina)? Parang ganito ang gluta, payong na magpoprotekta sa iyo laban sa ulan ng sakit. Nitong nakaraang Sabado (Nov.2) umatend ako ng Royale Product Presentation. Nakilala ko si Dr. Jenelyn Sedutan, isang paediatrician at Royalista. Ayon kay Dr. Sedutan, ang gluta ang nagpo protect sa ating cells sa mga “free radicals” na sumisira sa malulusog na cells. Ang free radicals ay mga abnormal cells na dumidikit sa normal cells at ginagawang katulad niya – abnormal. At pag dumami na ang mga abnormal na cells sa katawan mo ano ang pwedeng mangyari? Panghihina, pagkakasakit, pre-mature ageing at marami pang ibang klase ng sakit. TANONG: Sino ba ang taong sakitin na may magandang kutis?
Sinabi ko sa isa kong post – kanino ka maniniwala, sa mga artistang endorser ng produkto o sa mga karaniwang tao na gumamit na nito at napatunayang epektibo? Si Dr. Sedutan, nagpatotoo sa bisa ng glutathione (taken with Royale C). Bago nating Royalista si Dr. Sedutan, siya ay may PERSISTENT CHRONIC ASTHMA. Severe ang kanyang mga asthma attacks. At sa takot sa pag-atake ng asthma, katabi na niya sa pagtulog ang banig-banig na gamot sa asthma. Adik na daw siya sa solbutamol. Halos wala na nga daw epekto ito sa kanya. Kaya nung inalok sa kanya ang gluta, sinubukan niya ito. Lahat naman nasubukan na niya, bakit hindi ang gluta? After ilang bottles, napansin niya na hindi na siya masyadong inaatake ng hika. Napansin din niya na hindi na niya nauubos ang banig-banig na gamot na katabi niya sa pagtulog. At ito ang dahilan kung bakit siya naging Royalista.
ITO ANG PARA SA IYO: Huwag nang hintaying igupo ka ng sakit, agapan ito habang maaga pa. Palakasin ang iyong resistensya para labanan ang sakit. At ang taong malusog ang katawan, may BONUS na maganda at makinis na kutis. Ang gandang bonus diba? #clearskin, #glutathione,#gluta #asthma, #healthycells, #antioxidant#fightfreeradicals, #boostimmunity
