Monday, August 24, 2009

pala-palagay ko.

sa palagay ko hindi dapat tumakbo si noynoy sa pagka presidente sa darating na election.

sa palagay ko, hindi dapat i claim ni ronnie puno ang women's desk, kasi hindi naman nanggaling sa kanya ang initiative ng pagtatayo nun.

sa palagay ko, hindi dapat tanggaping friends sa FB or FS or for that matter - any social networking sites - ang mga bossing. kasi malalaman nila ang mga kalokohan mo.eh ikaw ba? magagawa mong magpost ng sama ng loob kung alam mong mababasa ng boss mo?

ang level ng importance ng isang bagay ay depende sa gamit o value nito sa tao. importante ba sa iyo? siguro may gamit sya sa buhay mo. pero ikaw lang ang pwedeng magsabi kung ano ang importante sa buhay mo o hindi. pero hindi mo pwedeng sabihin na ang importante sa iyo ay importante din sa ibang tao.

No comments: