sa isang workshop, tinanong kami ng facilitator kung ano ang gusto namin maging nung bata pa kami. wala naman. wala akong maisip. pero pinilit ako ng kasama ko. o di sige, gusto ko maging si darna. bakit daw? aba? eh malay ko, bata pa ako nun. gusto ko ng super powers. gusto kong lumipad. at...siguro, gusto ko rin makatulong sa mag inaapi. di ba ganun ang gawain ng super heroes?
ano naman ang konek nun sa buhay ko ngayon? isang araw lang naman habang iniisip ko kung ano ang dadalhin ko sa monday pagpasok, biglang sumagi sa isip ko na hindi ako super hero. hindi ako si darna. at hindi ko kayang iligtas ang tao sa lahat ng imaginable miseries or problems. duh?! ano naman konek nun sa dadalhin ko sa opis?
eh nagtataka din ako bat ang dami kong dala. pwede naman kasing pamasahe lang at baon ang dalhin ko. pero hindi. kailangan may dala akong alcohol, lipstick, pulbo, suklay, napkin, tissue, papel, notebook sa school, textbook sa school...etc. etc...
para saan ba ang lahat ng ito? in case kailanganin. and in most cases, hindi ako ang nangangailangan ng mga ito. ok lang sa akin na once lang magsuklay - sa umaga. or sa gabi bago matulog. walang kaso sa akin magmukhang hinilamusan ng mantika sa kintab ang mukha. at ang mga notebooks at textbook sa school na mahirap talaga isingit sa trabaho - pwede ko namang gawin sa bahay.
in case kailanganin ng iba. yun. ganun lagi ang attitude ko. gusto ko, pag may nagtanong sa akin, may solusyon ako. eh hindi nga ako super hero. at napag isip-isip ko na nakakapagod maging sandalan. at lalong nakakapagod na mag isip ng kung ano ang tama at dapat habang karamihan ng tao ang ginagawa ay ang hindi tama at hindi dapat.
ayoko maging cynical. ayoko maging stoic. ayoko maging manhid at walang pakialam. pero gusto ko ding ayusin muna ang sarili ko. saka na ang ibang tao.
No comments:
Post a Comment