Sunday, May 24, 2015

love is a choice

nung maging tayo, nangako ako na ikaw na ang huli.  bakit ko nga ba nasabi yun?

bago ka dumating sa buhay ko, dumaan na ako sa maraming relasyon.  mga relasyong nagsimula sa masidhing damdamin, na natapos din sa masidhing pagkamuhi.  mga relasyong natapos sa hindi magandang paraan. mga relasyong nasira dahil sa tawag ng bagong damdamin.

ngayong binabalikan ko ang alaala ng lumipas na relasyon, napag isip-isip ko na nagpatangay sila sa pang akit ng bago.  at nagpadala sa damdaming ito ika nga ng awit ni Sampaguita - "...isip ay nalilito, pag nakakita ng bago..."

hindi ko ipinangakong hindi titingin sa iba, at di ko rin ipinangakong hindi titibok ang puso sa bagong kakilala. mabuti naman at hindi ko ginawa yun. kasi lagi akong napapatingin sa iba, at may pagkakataon pang nahuhulog ang loob ko sa kanila.

ang puso, may kapasidad siyang magmahal ng marami. hindi ba at mahal natin ang ating magulang, ang ating mga kapatid, ang ating mga kaibigan? pero mahal natin sila ng magkakaibang intensity at lalim. oo nga, pwedeng magmahal ng marami.

magmamahal at magmamahal ako ng iba. pero ikaw at ikaw ang pipiliin ko. mananatili na lang silang lahat sa puso ko. pero ikaw, mananatili ka sa puso, isip at buhay ko.

No comments: