Thursday, April 02, 2009

Nicole

nung nakaraang buwan, lumabas ang balita na bumaligtad daw si nicole. binabawi na daw nya ang kanyang statement na sya ay ni-rape. marami siguro ang nagalit. ewan ko lang. ang sukatan ko lang naman kung ano ang reaksyon ng karamihan ay ang aking ka-opisina. maraming koneksyon yun sa media eh.

pero sa totoo lang, ako man ay nagulat. nung sinabi sa akin na nasa U.S. na sya naisip kong, baka ex-deal ito. malamang, bumigay na si nicole sa pressure. bat nga hindi? ayon nga sa kanyang lead counsel, may offer ng settlement kay nicole nuon pa man.

PERO, pero, pero (but, but, but...) ayon na rin sa mga lawyer na naghandle ng case nya, walang binawi si nicole sa kanyang statement. kung alam lang ng sambayanan - ang inilabas na statement ni nicole ay walang pinagkaiba sa statement nya na binitiwan habang nililitis pa ang kaso. at kung susuriin pang mabuti, ang binitiwan nyang salita kung kamakailan ay mga lehitimong katanungan ng isang rape victim.

matapos ang ilang taon, ang ilang dekadang pakikibaka para sa karapatan ng kababaihan, nananatiling isang katotohanan ang paglapastangan sa mga kababaihan. at isang katotohanan pa rin na ang tendensya ng publiko na ang mga biktima ang sisihin sa mga kalapastanganang ito.

No comments: